Home » Hackers, Internet Cafe

I Cannot Trace, Boss!

Submitted by Ron on October 23, 2009 – 1:09 amView Comments

Put#&$#!%@o!!!

Yan ang message sa akin ng kaibigan ko sa aking YM(Yahoo Messenger)…

Ano kaya ang magiging reaction mo pag out of the blue ay ito ang maging mensahe sa iyo ng isang kaibigan mo na kailanman ay hindi mo naging kagalit?

Siguro nagkaroon siya ng nervous breakdown? Siguro naalimpungatan?  Ewan ko pero ang attitude ko sa mga ganitong situation is let the person be with himself for a while. I don’t want to jump on my seat and retaliate agad, baka sa sobrang stress ay nadisorient na.

So I waited…

Then one day, ini-add niya ako sa bago niyang ym. Then as I was about to asked her what happened (Yes, babae ang nagmura sa akin). She said sorry…

“Kuya, sorry.”

“Bakit anong nangyari” I replied.

“Na-hack ang password ng YM ko…” she said.

So I was wrong sa mga inassume ko na dahilan ng pagmumura niya. Now this experience has opened my eyes sa maraming possible na danger sa mga maaari pang maging victim ng hacking. Buti sana kung puro mura lang ang gagawin ng hacker. What if may iba pa siyang gawin na mas delikado?

Ok I hope this reasons will give you the shiver.

1. Magpanggap siya as the person na mayari ng account then, manghingi ng pera, or perwisyuhin ang personal mong buhay.

2. Mangalap ng maraming maseselang impormasyon sa email mo then unknowingly dalawa kayong regular na nagchecheck ng email mo, then gawin niya ang number 1, which is perwisyuhin ang personal mong buhay.

“Paano niya nahack? Wala naman akong sinasabihan ng password ko? Kahit mismong asawa ko hindi alam ang password ko? At wala namang nakatingin sa likod ko pag nagnenet ako”

There is a program called keylogger. Ang keylogger program ay sinisave lahat as text ang mga pinindut mo sa keyboard, as in lahat. And unfortunately login name and passwords are ini-input using a keyboard.

Most of the time, ang keylogger ay ginagamit ng mga walanghiya. Pati ang mga mayari ng mga internet cafe minsan ay gumagamit nito para nakawin ang password ng mga online games account ng mga umaarkila sa kanila, friendster, ym, email, etc.

Yes. Mismong mga kakilala ko ang nagsasabi sa akin na ginagawa ito ng ilang mga nagpapatakbo ng net cafe. Pati sa mga opisina, na maaaring ang katrabaho mo ay interesado sayo. Pati ang kaibigan mong may pagkajudas ay maaaring gamitan ka ng keylogger na once na maglogin ka sa account mo sa computer niya.

Kung ako tatanungin, hanggat maaari ay umiiwas akong magrent sa net cafe. Kahit sikat na shop, pinapatakbo din naman ito ng mga empleyado. No one is safe. Pero hindi naman laging maiiwasan ang gumamit ng net sa mga cafe. Hindi mo naman laging dala ang laptop mo, and hindi naman lahat ng lugar ay may wifi zone.

Now there is a program called Neo Safe Keys. You just need to download it kapag nasa net cafe ka and 40KB lang ang size nito. No installation required. You just need to run it and hindi ka na pipindut sa keyboard ng iyong password, dito ka na pipindut by your mouse sa keyboard na ilalabas niya then idadrag mo sa iyong login box.


Just as easy as that. And now you can shout, I AM INVINSIBLE!!!

Neoblog [Neo Safe Keys]

Note: Hindi mo naman maaaring laging matandaan ang mismong website ng Neo Safe Keys pero just type it sa Google - Neo Safe Keys – and unang-una siyang lumalabas sa results.

Thanks hope you enjoy and share your comments. Godbless.

Follow Us on Twitter

___

Related Posts:

Super Strong Log In


Popularity: 1% [?]

  • Share/Bookmark

blog comments powered by Disqus