Tablet PC, Bibili ka?
Tablet PC, Bibili ka?
By: RV
Marami ang excited sa tablet computer na ilalabas ng Apple na para bang iyon ang magiging kauna-unahang tablet computer.
Sa palagay ko, ito ay dahil sa hindi pa rin matatawaran ang pagiging trend setter ng Apple sa technology.
You may already know that there are already lots of tablet computers in the market. Yung iba nga hindi tinangkilik ng tao; hanggang sa mawala na lang na parang hindi man lang nag-exist.
Sa paglilibot ko sa Internet, narito ang ilan sa mga nakita ko:
- Lenovo IdeaPad U1, X200, at X61 Tablet
- Sharp Mobilon Tripad
- Touch-enabled Slate, TX2500Z, at EliteBook 2730p – ng Hewlett-Packard
- Sony Tablet computer at Sony VAIO® VGN-UX180P Tablet PC
- Tablet PC – na gawa ng Leo (isang Taiwanese company)
- Microsoft Tablet PC with Windows XP Tablet PC
- Fujitsu’s Tablet PC (gaya ng Fujitsu LifeBook T5010)
- Viliv convertible tablet computer
- Micro-Star International touchscreen tablet computer – (MSI)
- Ultra Mobile Personal Computer and Samsung NP-Q1U/600 Tablet PC – Samsung
- Linux-powered N800 Internet Tablet
Gagamit din ba ako ng tablet PC? Hindi ko pa alam. Gusto ko muna pumunta sa electronics exhibit sa Singapore para subukan kung mas magiging komportable akong gamitin ito at kung mas pasok sa pangangailangan sa trabaho ko upang mapabilis, mapagaan, at mas mapabuti pa.
Iyon ang sa palagay kong pinakaimportante. Hindi dahil sa uso, sa dami ng features, sa lakas ng makina, o kung ano pa man.
[Photo by Pascal Montsma (Netherlands); cropping & editing by Rv]
Popularity: 2% [?]

